top of page
Gil R. Miranda

Culture: Ang Alamat ng Pansol



Ang Pansol ay isa sa mga barangay ng Lungsod ng Calamba. Sa simula’t-simula pa ay kilala na ang Pansol. Pasyalan ito ng mga turista maging noon pa mang panahon ng mga Kastila at maging noong panahon ng mga Amerikano. Natanyag ang Pansol dahilan sa mga likas nitong bukal ng mainit na tubig.


Ang pangalang Pansol ay hinango sa isang sina-unang contraption o’ device na yari sa biyas ng kawayan o’ ano mang tubo na isinusuksok sa isang talampas o’ gilid ng burol upang daluyan ng tubig na nagbubuhat sa bukal. Dahilan sa maraming likas na bukal ng mainit na tubig sa lugaring ito ng Calamba, nakaugalian na tawagin itong Pansol.


Ang malikot at mapag-likhang isip ng ating mga ninuno ay lumikha ng isang kuwentong nang maglaon ay naging isang alamat tungkol sa nakaugaliang katawagang Pansol. Sa ngayon, nawala na sa bukabularyo ng maraming tao ang tunay na kahulugan ng salitang “Pansol” at ang alamat na kathang isip lamang ang siyang pinaniniwalaan ng marami lalo na ng mga kabataan.


Kung sa bagay, ganyan talaga nabubuo ang kultura. Para itong bolang putik na gumugulong sa lansangan ng panahon at dumidikit dito ang ano mang dawag na madaanan nito. Pakinggan ninyo ang mga Kuwento ni Pikoy tungkol sa alamat ng Pansol na nagdawit sa pangalan ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal na tubong Calamba.

Featured Posts 
Recent Posts 

 Click "Older or Newer Post"

for more

Find CALAMBA ON
  • Facebook Long Shadow
Search By Tags
bottom of page