![](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_adb291f18afd4cc79a73427d9ec69e46.png/v1/fill/w_277,h_191,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/b1613b_adb291f18afd4cc79a73427d9ec69e46.png)
MAKILAHOK
Pagkaka-isa, sama-sama at koordinadong pagkilos,. masigla at magalang na pakikitungo sa mga kasama at ibang taga-taguyod ang susi sa isang matagum- pay na kampanya. Maki-isa at makilahok, suriin ang mga isyu at pag-aralang mabutii ang plataporma ng ating kandidato. Tumulong sa pagpapaliwanag ng mga kabutihang ihahatid nito sa kalunsuran at mga indibidwal na mamamayan.
Ang tagumpay ni Atty. Totie Lazaro ay tagumpay nating lahat at ng lahat ng mamamayan ng Lungsod ng Calamba.
Marani ang paraan upang tayo ay makatulong sa kampanya ni Atty. Totie. Una ay ang pagpapaalam ng kandidatura ni Atty. Totie sa ating mga magulang, kapatiid at iba pang kamaganak. Ipaalam din natin ito sa ating mga classmates, kapit-bahay, kasamahan sa trabaho, at iba pang kakilala. Sabihin natin sa kanilang si Atty. Totie ay atiing sinusuportahan at naniniwala tayong malaki ang maitutulong niya sa pamamalakad ng lungsod at sa pagpapa-igi ng buhay ng mamamayan nito.
Maaari din tayong tumulong sa pamamahagi ng mga lathalain na tumutukoy sa pagkatao ng ating kandidato at ng kanyang kakayanang maglingkod sa lungsod. Hikayatin ang inyong mga kaibigan na sumama sa mga sama-samang pangangam-panya. Bukod sa masaya ang sama-samang pagkilos na ito, makatutulong ang karanasang maibibigay nito sa ating pagpapalawak ng ating kaalaman at pang-unawa sa buhay ng iba. .
Siguruhin ang pagdalo sa mga caucus, asembliya at mga pulong. Ang talakayan sa mga pulong na ito ay makapag-a-update sa ating kaalaman tungkol sa mga isyu ng lungsod. Malalaman natin ang panga- ngailangan ng mamamayan at maririnig din natin ang mga mungkahing solusyon sa suliranin ng lungsod. Sa mga pulong ding ito natin makikita ang kasanayan ng mga kandidato at dito rin natin maririnig ang kanilang mga matalinong pamamahayag.
Tumulong din na maimulat ang mga mamamayang nabubulagan sa mga handog ng kandidato upang makuha ang kanilang mga boto. Ipaliwanag ang kahalagahan ng ating boto at kung papaano kasagrado ito. Ang boto ay hindi kalakal na naipagbibili. Nakasalalay sa ating boto ang kinabukasan ng ating mga kalunsod, gayun din ang sa atin at sa ating mga anak, magiging anak pa, at mga magiging anak nila.
Pasiglahin ang ating kampanya. Ang tagumpay ni Atty. Totie Lazaro ay tgaumpay nating lahat.
Umanib sa Totie Lazaro for City Councilor Movement
Group Page ng Facebook at i-add din ang inyong mga friends.
![Home visit](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_3e1a5e8c202a4bb588b990f0659c8a4d.jpg/v1/fill/w_960,h_541,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/b1613b_3e1a5e8c202a4bb588b990f0659c8a4d.jpg)
![Nutrition Program](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_ae94fc407b364bb58076889837dfc828.jpg/v1/fill/w_719,h_960,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/b1613b_ae94fc407b364bb58076889837dfc828.jpg)
![The Calamba Senior Citizens](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_f6921e0d3a584bd4a8e968ce6b64f22b.jpg/v1/fill/w_960,h_540,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/b1613b_f6921e0d3a584bd4a8e968ce6b64f22b.jpg)
![Home visit](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_3e1a5e8c202a4bb588b990f0659c8a4d.jpg/v1/fill/w_960,h_541,al_c,q_85,enc_avif,quality_auto/b1613b_3e1a5e8c202a4bb588b990f0659c8a4d.jpg)
![](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_df35bd0632fe46a6946080e214fdf378.jpg/v1/fill/w_1063,h_293,al_c,q_80,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/b1613b_df35bd0632fe46a6946080e214fdf378.jpg)