![Jobs, Safe Streets, Community, Environment for a progressive Calamba City](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_1338ebf40ef94bd29efb68d8bb30b6b6.png/v1/fill/w_973,h_244,al_c,lg_1,q_85,enc_avif,quality_auto/b1613b_1338ebf40ef94bd29efb68d8bb30b6b6.png)
TRABAHO
![](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_f87c2a3996b64cd38d5ae9949af48a43.png/v1/fill/w_212,h_211,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/b1613b_f87c2a3996b64cd38d5ae9949af48a43.png)
Kamangha-mangha ang naging pagssulong ng Lungsod ng Calamba nitong nagdaang ilang taon. Itinuring ito na puso ng CALABARZON dahilan sa dami ng mga kumpanyang nanahanan dito. Isa ito ngayong pangunahing sentro ng industriya sa labas ng Kalakhang Maynila na nagkakaloob ng libo-libong trabaho. Kailangang samantalahin natin ang pagsulong na ito at tiyakin ang paglikha pa ng mga sustenableng hanapbuhay para sa mga taga-Calamba sa bawat sambahayan at komunidad at hindi sa mga piling lugar lamang. Kailangan nating mamumuhunan sa hinaharap sa pagtatayo at pagpapabuti ng mga imprastrakturang kailangan upang makalikha ng mga trabahong high-tech para sa karagdagang pagsulong ng Lungsod. Nangangahulugan ito ng pagsasagawa ng mga programang pagsasanay na maghahanda sa mga manggagawa sa trabahong pang-makabagong industriya, at titiyak na ang ating maliliit na negosyo ay may kakayanang makipag-kumpetensiya sa lokal at pambansang ekonomiya at makabuo ng reputasyon bilang isang pangsandaigdigang tunguhan.
Responsibilidad ng Lungsod ng Calamba na pangangalagaan ang kanyang mamamayan. Ang mga tao sa ating Lungsod ay dapat makadama na sila'y ligtas habang namamasyal sa ating mga lansangan o’ namimili sa mga pamilihan.
Mahalaga ang kaligtasang pampubliko sa ating mga komunidad. Nagsisilbi itong pundasyon ng katatagan at propesyonalismo. Kailangang maayos na mapondohan at mapamahalaan ang ating dedikadong kapulisan nang kanilang mapangalagaan ang bawat kapit-bahayan.
Dapat lumikha ang Lungsod ng Calamba ng oportunidad para sa kabataan. Nararapat na matuto silang tumanaw sa kinabulasan at makapamili ng pamumuhay liban sa matinding kahirapan at buhay kriminalidad. Kailangan nating tiyakin na sila’y mabigyan ng disenteng edukasyon, hanapbuhay at ligtas na tahanan.
![](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_56dc7c0ebea24a3fb73a881909b2ddbe.png/v1/fill/w_152,h_152,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/b1613b_56dc7c0ebea24a3fb73a881909b2ddbe.png)
LIGTAS NA LANSANGAN
KOMUNIDAD
![](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_ab2f7506cd814eef88a888fa587f66b3.png/v1/fill/w_181,h_184,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/b1613b_ab2f7506cd814eef88a888fa587f66b3.png)
Ang matatag na kapitbahayan ay bumubuo ng isang matatag na lungsod. Dapat gawing aktibo ang mga residente ng Calamba sa pamamagitan ng pagbibigkis sa mga mamamayang may malasakit at katulungin sila sa paglutas ng mga suliranin, sa paglikha ng hanapbuhay, at sa pagsusulong sa Lungsod.
Ang samahang pang-kapitbahayan ay ang buhay ng komunidad. Siguruhin nating mayroon silang tinig sa ating lungsod. Kapag may suliranin, ang una nating tinatawag ay ang kapitbahay. Nararapat na lagi natin itong isa-isip sa paglikha ng mga polisiya. Alam ng kapitbahayan ang mga mahahalagang isyu sa Calamba, higit kaninoman. Siguruhin natin ang pagsangguni sa kanila kapag kailangan natin ang solusyon sa mga suliraning lungsod.
KAPALIGIRAN
![](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_6fc6cd60b8654cb0b4599f7285d447e9.png/v1/fill/w_160,h_163,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/b1613b_6fc6cd60b8654cb0b4599f7285d447e9.png)
Ang Lungsod ng Calamba ay nakalikha na ng maraming kapaki-pakinabang at kahanga-hangang pagsulong, subalit marami pa ring gawaing kinakailangan. Hindi katanggap-tanggap na timbangin ang kaunlarang pangkabuhayan kontra kalusugan ng komunidad. Walang puwang sa Calamba para sa mga pabrikang nagpapa-agos ng nakaka-kanser na kemikal sa ating mga daluyang tubig. Walang lugar sa Calamba para sa mga pabrikang nagbubuga ng mapaminsalang kemikal sa hangin.
Maraming pangsandaigdigan kumpanya na dumayo sa Calamba ang nakapagpatunay na ang luntiang ekonomiya ay hindi lamang sustenable, mandi’y kapakipakinabang pa. Kailangan natin ang marami pang malilinis na industriyang high-tech na maghahatid sa atin ng magandang kinabukasan. Karapatan ng bawat isang kapitbahayan natin ang magkaroon ng oportunidad na i-angat ang komunidad nang walang dungis sa kinabukasan.
![](https://static.wixstatic.com/media/b1613b_df35bd0632fe46a6946080e214fdf378.jpg/v1/fill/w_1063,h_293,al_c,q_80,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/b1613b_df35bd0632fe46a6946080e214fdf378.jpg)